Beverly Siy sent me this piece about young Filipino poets in Sta. Cruz, Zambales.
[an error occurred while processing this directive]
Diona - seven syllables per line, three lines per stanza, all lines have a single rhyme
Tanaga - similar to Diona, except that each stanza has four lines
Dalit - this poem has eight syllables per line, four lines per stanza, all lines have a single rhyme
Malayang Taludturan - free verse
Young Filipino poets from this side of the world
(by Beverly W. Siy) Last August, my classmates in graduate classes and I organized a very important literary event in Sta. Cruz, Zambales: the 1st Mayor Luisito E. Marty Literary Arts Festival. It’s a four-day lecture workshop where selected high school students from six schools participated. The fest consisted of lectures, discussions, criticisms of literary works by the students, and individual conferences between the students and us, the facilitators.
It was conceived by no other than Mayor Luisito Marty himself. He believes in the value of the work and vision of creative writers and so, he has concocted this activity to hone the creative writing skills of various high school students from his hometown.
I taught indigenous forms of Tagalog poetry. Some students had difficulty with rhyme and meter but a lot of them were able to create simple and yet deliciously (as sweet as mangoes in Zambales!) beautiful poems with the given restrictions.
Now, it’s an understatement to say that I’m showing off but I’m really REALLY proud to present the poems written during the literary arts fest by the young Filipino poets of Sta. Cruz, Zambales.
DIONA
Ang diona ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, tatlong taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
(I asked the students to write a diona about any Zambales product.)
Ang butil na kaysarap,
Parang gintong kumislap,
Katapat nito’y ulap.
-Darlene Mayo
O, manggang sakdal tamis,
Lipos ka ng pag-ibig
Ng bayan ng Zambales.
-Analyn Alegonza
Hugis-puso na prutas
Ang naghandog ng galak
Kay Mariang masipag.
-Rachel Ebuenga
Ako ang ibigin mo.
Tawag sa aki’y tubo.
Tamis ang handog sa ’yo.
-Jayson Merced
Mangga ng Zambaleña,
Tikman mo’t may halina
Ang tamis ng pagsinta.
-Debbie Villanueva
Balat na kulay-dilaw,
Kulay-berde pag hilaw,
Panlasa’y mapupukaw!
-Mary Cathlyn Orgen
Ang mangga dito sa ‘min:
Marami, nakabitin
At masarap kainin!
-Julie Anne Villanueva
Ang mangga ng Zambales,
Walang makatitiis
Dahil napakatamis.
-Kim Aquino
TANAGA
Ang tanaga ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng pitong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong na may isahang tugmaan.
(I asked the students to write a tanaga about love for country.)
Sa gubat na madawag,
Tala’y mababanaag.
Iyon ang tanging hangad,
Buhay ma’y igagawad.
-Bannie Pearl Mas
Tumayo ka nang tuwid,
Ang kamay ay sa dibdib.
Awitin, ating himig
Nang totoo sa tinig.
-Romualdo Verzosa, Jr.
Sa Muli Nating Pagkikita
Noong malayo ako,
Nasa kabilang dako,
Itong puso’t isip ko,
Bayan, para lang sa ’yo.
-Rachel Muyano
DALIT
Ang dalit ay isang katutubong anyo ng tula na binubuo ng walong pantig kada taludtod, apat na taludtod kada saknong at may isahang tugmaan.
(No theme for dalit-writing exercise.)
Tindi ni Amang
Nag-aral siyang pilit
Nang karangala’y makamit.
Buong buhay s’yang nagtiis.
Makapagtapos ang nais.
Ang pera niya’y tinipid,
Sa guro ay di sumipsip.
Markang mataas, nakamit:
Tagumpay nga ang kapalit.
-Zoren Mercurio
MALAYANG TALUDTURAN
(I asked the students to write a poem using words that they gave me when I was lecturing about rules in Tagalog poetry rhyme scheme.)
Bata pa lamang siya nang landas niya’y lumihis.
Pumunta siya sa kung saan ang pook ay liblib
Ngunit ang saya’y napalitan ng ligalig.
Napagtanto niyang siya’y gipit na gipit.
Damit niya lamang ang kanyang kipkip,
Maging ang bulsa niya’y sadyang said.
Doon niya nalamang sa paglalayas pala’y pera ang salik.
-Bannie Pearl Mas
Pighati
Bakit sa biyaya, tila ako’y salat?
Mga problema’y tila apoy na naglalagablab.
Puro kabiguan ay siyang namalas.
Buhay ko ngayo’y saan sasadsad?
Para itong nalugmok sa mataas na pagkalaglag.
Sana’y matikman ang matamis na halakhak
Kahit puso’y tila nilaplap.
-Mary Grace Menor
Kawawang Magsasaka
May isang magsasakang sinamsam ang lupa niyang sakahan.
Sa kalooban niya, daig pa ang nasupalpal.
Kaya’t sa kanyang pagkaasar,
di na napigil ang kanyang galaw.
Wala siyang nagawa kundi gumapang
at naisip na lang: magpatiwakal sa tulay.
-MC Kenneth Abella
The high school students tried their hand at Tagalog poetry, and the poems showcased the things you will find in Zambales.
Congratulations, Beverly, for organizing this literary event! May this inspire more Filipinos to become writers and poets.
[ First posted on 09/21/2006 by Manuel Viloria ]